
Gospel Reading February 16,2025 - Luke 6, 17. 20-26
February 16, 2025 Sixth Sunday in Ordinary Time Gospel Reading: Luke 6:17, 20-26 Ang Mabuting Balita at Homiliya "Lagi nating dine depende ang kaligayahan natin sa tao o kaya naman sa materyal na bagay.Nasa attitude natin ang susi ng pagbabagong hinahanap mo sa buhay." - Rev. Fr. Douglas D. Badong ............. MABUTING BALITA: LUKE 6:17, 20-26 Noong panahong iyon, bumaba si Hesus kasama ang Labindalawa at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad, at ang napakaraming tao buhat sa buong Judea, Jerusalem, at sa mga baybaying dagat ng Tiro at Sidon. Tumingin siya sa kanyang mga alagad at sinabi: "Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ay naghahari sa inyo. Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin. Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magagalak. Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo'y kinapopootan, ipinagtatabuyan, iniinsulto, at ipinagkait ang inyong pangalan bilang masama. Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan kapag nangyari ito, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit; gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat tinamasa na ninyo ang inyong kaaliwan. Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom. Sa aba ninyong mga tumatawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at tatangis. Sa aba ninyo kapag kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta." Ang Mabuting Balita ng Panginoon. .................. Magkaiba po ang “kapalaran” doon sa “pagpapala”. Alam po natin na ang Ingles ng kapalaran ay “luck”, samantala ang Ingles ng pagpapala ay “blessing”. Minsan tinatrato natin ang buhay na parang kapalaran na itinataya natin ang ating sarili sa iba’t ibang kultura. At sa tingin natin na madali lang ilarawan ang magiging kinabukasan natin. Ngunit kung tayo ay naniniwala sa pagpapala, alam natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay parang magtitiwala tayo sa salamangka. Kaya minsan iniisip natin ang Diyos ay parang “magician” na awtomatikong akala natin may himala. Subalit hindi ganyan ang pamamaraan ng Diyos sa pagkakaloob sa atin ng pagpapala. Ang ating Ebanghelyo ngayon ay ang pasimula ni Hesus sa kanyang pangangaral sa kapatagan. Ang Ika-6 na kabanata ni San Lucas ay halos kasingtulad ng ika-5 kabanata ni San Mateo na kung saan ito ay ang pangangaral ni Hesus sa bundok. Kung sinimulan ni Mateo ang salaysay sa pamamagitan ng mga “Eight Beatitudes”, halos parehas ang pagsasalysay ni Lucas, subalit ang nakalagay dito ay hindi lang mga pagpapala, kundi mayroon ring mga sumpa. Ang mga itinuturing na “anawim” ay sila ang mga ititipon ng Diyos bilang kanyang Sambayanan. Kaya tinawag silang mapalad ni Kristo na sa kabila ng mga hindi kanais-nais na pangyayari, patuloy silang umasa sa kaginhawaan sa pamamagitan ng kanilang kabutihan. Subalit may mga taong isinumpaan ni Hesus taliwas sa mga nahihirapan, kundi sila ay ang mga taong napupuno sa kanilang buhay. Akala natin na si Kristo ay tutol sa mga taong mayaman at marangal ang buhay. Hindi siya tutol sa mga iyan sapagkat alam ni Hesus ang iilan na ikinamit iyan mula sa kanilang pagsisikap. Ang nais niyang puntuhin ay ang mga bagay na napupuno sa atin ay dapat gamitin upang makapagpakinabang sa ibang tao, at hindi makapaabala sa kanila. Kaya sa ating buhay, dapat itrato natin ito hindi bilang isang “kapalaran”, kundi bilang isang “pagpapala”. At ang pinakadakilang pagpapala ay bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo. Kaya ipinapahayag ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay nagkaroon tayo ng katibayan ng pananalig sa kanya. Sabi nga kung si Kristo’y hindi muling nabuhay, ang ating buhay ay parang hindi nakukumpleto. Kaya noong si Hesus ay muling nabuhay, minarapat tayong tawaging mga saksi upang patuloy natin isabuhay ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos sa kapwa. Viva Poong Jesus Nazareno walang hanggang pasasalamat po.🙏🧡 ................ Follow Rev. Fr. Douglas D. Badong's spiritual journey for inspiring real talk reflections and contents, important announcement, latest updates and shared experience regarding St Joseph Parish Gagalangin and Rev. Fr. Douglas D. Badong. Like, subscribe and follow on other social media platforms. Click the link below to explore his page: ( / douglas.badong ) YouTube channel: / @fr.douglasbadongmisaatpagn9583 TikTok: https://www.tiktok.com/@fr..douglasba... ST. JOSEPH PARISH GAGALANGIN 2671 Juan Luna St. Gagalangin,Tondo, Manila 1012 Metro Manila Visit the Parish's official facebook page: / @saintjosephgagalangin Let's walk this path of faith together!🙏🧡 #frdouglasbadong #PintakasingIbig #ikmsjnayan