HOLY FILIPINO MASS TODAY || Oct 27 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today Oct0ber 27, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Oktubre 27 Featured Playback . Banal na Misa Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 30th Week in Ordinary Time. ALELUYA Juan 17, 17b. a Aleluya! Aleluya! Amang D’yos ni Hesukristo, ang salita mo’y totoo kami ay pabanalin mo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 13, 10-17 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya’y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Hesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman!” At ipinatong ni Hesus and kanyang mga kamay sa babae; noon di’y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.” Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba’t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya’y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kalaban ni Hesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!