LIVE | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA (August 1, 2021 | 6:00 AM)
LIVE | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA (August 1, 2021 | 6:00 AM) Maligayang pagdating sa ating pagdiriwang ng Banal na Misa. Tayo ay nasa Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon. Ang pagtugon ng Diyos sa ating mga pangangailangan ay patotoo sa walang hanggan ang pagmamahal niya sa atin. Subalit tinatanggap ba natin ang kanyang pagpapalang espirituwal na hindi matutumbasan ng kahit na ano mang luho ng daigdig? Patuloy ang paanyaya ni Jesus sa atin: “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay.” Sa pagdiriwang ng Linggo ng mga Kura Paroko, inaanyayahan tayong higit na magpahalaga sa mga gawa ng mga kura paroko para sa kanilang mga kawan. Pasalamatan natin ang ating kura paroko at ang kanyang mga katulong sa kanilang pagiging kasangkapan ng kalinga ng Diyos sa atin. Nawa maging inspirasyon nila ang kanilang patrong si San Juan Maria Vianney. Ang Paring mangunguna sa ating Pagdiriwang ngayon ay si Reberendo Padre Bong Gino. #18thSundayOrdinaryTime #LinggoNiSanJuanMariaVianney #LinggoNgMgaKuraParoko #SIP2021 #SIPSOCCOM