
LIVE | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA (January 29, 2022 | 6:30 PM)
LIVE | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA (January 29, 2022 | 6:30 PM) Maligayang pagdating sa ating pagdiriwang ng Banal na Misa. Tayo ay nasa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon. Nagpropesiya si Simeon na ang sanggol na si Hesus ay magiging tanda na sasalungatin. Natupad ang propesiyang ito sa Nazaret kung saan nahati ang opinyon ng mga tao ukol kay Hesus. Bagama’t namangha sila sa kanyang salita, tinangka rin nilang patayin si Hesus. Nagalit sila nang ipaalala ni Hesus kung paanong kumiling ang mga dakilang propeta ng Diyos sa mga pagano sa Matandang Tipan. Buksan natin ang ating mga puso kay Hesus sa Espiritung nangungusap sa atin. Ngayong linggo, ipinag-diriwang din natin ang Pro-Life Sunday. Sa pagdiriwang na ito, tayong lahat ay inaanyayahang isadiwa ang kahalagahan ng buhay bilang kaloob ng Diyos at patuloy na itaguyod ang dignidad na kaakibat nito. Ang Paring mangunguna sa ating Pagdiriwang ngayon ay si Reberendo Padre GRACIOSO CHARCOS ng Missionary of Jesus.