
LIVE | PAGDIRIWANG BANAL NA MISA | (OCTOBER 30, 2022 8:00 AM)
LIVE | PAGDIRIWANG BANAL NA MISA | (OCTOBER 30, 2022 8:00 AM) Maligayang pagdating sa ating pagdiriwang ng Banal na Misa. Tayo ay nagdiriwang ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon. Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol kay Zaqueo, na umakyat sa puno ng sikomoro para lamang matanaw si Hesus. Ang pananabik niyang makita si Hesus ay nagbunga ng pag-asa nang tawagin siya ni Hesus at nagprisinta itong makikain sa bahay ni Zaqueo. Laking pagbabago kay Zaqueo ang idinulot ng ganitong pakikipagtagpo kay Hesus! Pinatutunayan nito kung paanong dahil sa pagmamahal at habag, ang pangungulila, hinanakit, at kawalan ng pag-asa ay napagbabago sa bukas na isipan, kabutihang-loob, at pag-asa. Ngayon, sa pagdiriwang natin ng Linggo para sa Kamalayan sa Kalagayan ng mga Bilanggo, ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga kapatid sa bilangguan na hinahatulan at hinuhusgahan ng ating lipunan. Ipanalangin ang mga miyembro ng “correctional community” upang tulungan tayong lahat na dumulog sa Diyos tungo sa kagalingan ng lahat. Ang Paring mangunguna sa ating Pagdiriwang ngayon ay si Reberendo Padre Bong Gino. #SIPSOCCOM #SIP2022