
For July 31, 2022 Mass | Salmo 89: Poon, Amin Kang Tahanan Noon, Ngayon at Kailanman.
INSTRUMENTAL: • [INSTRUMENTAL] For September 4, 2022 ... Original Composition by: Rolly Ocampo 羅利 for July 31, 2022 Mass | Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 SALMONG TUGUNAN: Poon, Amin Kang Tahanan Noon, Ngayon at Kailanman. 1. Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok,/ sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos./ Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,/ sa mata mo, Panginoon, isang kisapmata lamang;/ isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan. (T) SALMONG TUGUNAN: Poon, Amin Kang Tahanan Noon, Ngayon at Kailanman. 2. Mga tao’y pumapanaw na para mong winawalis,/ parang damo sa umagang tumubo sa panaginip./ Parang damong tumutubo, na may taglay na bulaklak,/ kung gumabi’y nalalanta’t bulaklak ay nalalagas. (T) SALMONG TUGUNAN: Poon, Amin Kang Tahanan Noon, Ngayon at Kailanman. 3. Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon,/ itanim sa isip namin upang kami ay dumunong./ Hanggang kailan magtitiis na magdusa, Panginoon,/ kaming iyong mga lingkod na naghihirap sa ngayon? (T) SALMONG TUGUNAN: Poon, Amin Kang Tahanan Noon, Ngayon at Kailanman. 4. Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,/ at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit./ Panginoon naming Diyos, kami sana’y pagpalain,/ magtagumpay sana kami sa anumang aming gawin! (T) SALMONG TUGUNAN: Poon, Amin Kang Tahanan Noon, Ngayon at Kailanman.