TAGALOG HOMILY (APRIL 12, 2024) | FRIDAY 2nd WEEK OF EASTER | FEEDING OF FIVE THOUSAND | DOM LORENZO
GOD PROVIDES FOR OUR NEEDS Mahalagang aral ang matutunan natin sa Ebaghelyo ngayong Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay sa patuloy na pagninilay sa mga biyaya ng tagumpay ng Panginoon (Juan 6,1-15). Sa Mabuting Balita matutunghayan ang himalang pagpapakain ni Hesus sa higit limang-libo. Tinanong ni Felipe sa Panginoon kung saan sila kukuha ng pagkain para sa limang-libo katao. Mayroon doon isang binata may dalang limang tinapay at dalawang isda. Matapos magpasalamat sa Diyos, ipinamaghagi ang mga ito sa mga tao. Milagrong nakakain ang lahat, at sumobra pa ng labindalawaang bakol! Hindi makapaniwala ang mga alagad sa nasaksihan dahil noong simula sila’y nagsabi sa Panginoon na kahit halagang dalawandaang denaryong tinapay ay di sasapat upang makakain nang tigkakaunti ang mga tao. Patuloy din nilang pinagdudahan ang Guro nang iprisinta ang mga isda at tinapay na nakalap. Napahiya ang mga alagad nang mamalas na himalang pinadami ni Hesus ang tinaggap na handog mula sa binata. Sadyang walang imposible sa Diyos! Pinupunuan Niya ang ating mga pagkukulang at tintustusan ang bawat pangangailangan ng mga umaasa sa Kanya. Ito ang unang aral na mapupulot natin sa Mabuting Balita: sa gitna na kahirapan Nariyan palagi sa piling natin ang Poon upang ipagkaloob ang ating mga kahilingan. Kailangan lang nating kumapit at umasa sa Kanya dahil wala naman tayo talagang ibang inaasahan at matatakbuhan. Kung totoo man ang puna ng ilan na kaya dumami ang pagkain ay dahil naudyok magbahagi ng mga baon ang mga may dala kaya nakakain ang tanan, hindi pa rin nito tinatanggal ang katotohanang nagkaroon ng milagro sa ilang na lugar na iyon. Paanyaya rin samakatuwid ang Ebanghelyo sa pagiging bukas-palad. Sa huli, hindi lamang tayo hinikikayat magkaroon ng malalim na pagtitiwala at bukas-palad na magbahagi kung ano meron tayo; hinahamon din tayo na sikaping mamunga ang mga biyayang handog ng Diyos sa ating buhay. Ang labindalawang bakol ng sumobrang pagkain ay simbulo na walang-hanggan ang pagpapala ng Diyos sa atin. Nawa patuloy tayong umasa sa Panginoon dahil totoong ‘Good Privider’ Siya sa ating buhay. Sana maging magpagbigay din tayo mula sa di mabilang na mga handog sa atin ng Diyos hanggang sa punto na ‘isusubo nalang, ibabahagi pa' sa iba. Patuloy nawa tayong pagpalin ni Lord dahil sa ating kabutihang loob at malalim na pananampalataya.