LIVE | BANAL NA MISA SA DAKILANG KAPISTAHAN NG BANAL NA SANTATLO (May 30, 2021 | 6:00 AM)

LIVE | BANAL NA MISA SA DAKILANG KAPISTAHAN NG BANAL NA SANTATLO (May 30, 2021 | 6:00 AM)

LIVE | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA SA DAKILANG KAPISTAHAN NG BANAL NA SANTATLO (May 30, 2021 | 6:00 AM) Maligayang pagdating sa ating pagdiriwang ng Banal na Misa. Ang Diyos ay pag-ibig — walang hanggang pag-ibig na namamagitan sa kanyang tatlong Persona. Sa nag-uumapaw na pag-ibig ng Ama, nilikha niya ang lahat ng bagay. Sa pag-ibig niya sa sangkatauhan, ibinigay ng Anak ang kanyang sarili. Sa pag-ibig niyang nagbibigay-buhay, ginagabayan ng Espiritu Santo ang Santa Iglesya at ang kasaysayan. Ngayon din ay ginugunita natin ang Linggo ng Basic Ecclesial Communities o BEC Sunday. Ipanalangin nating masalamin nawa ng mga Munting Sambayanang Kristiyano ang pag-iibigang namamagitan sa Ama, Anak, at Espiritu Santo, ang unang pamayanan ng pag- ibig. Ang Paring mangunguna sa ating Pagdiriwang ngayon ay si Reberendo Padre Bong Gino. #BanalNaSantatlo #SIP2021 #SIPSOCCOM