FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Sep 30,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Sep 30, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) September 30, 2025 Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan MARTES sa IKA-26 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Twenty-Sixth Week || Healing Tuesday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Zacarias 8, 20-23 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias Ito ang ipinasasabi ng Panginoon: “Darating sa Jerusalem ang mga taga-iba’t ibang bayan. Sila’y magyayayaan: ‘Tayo na sa Panginoon. Hanapin natin siya at mamanhik tayo sa kanya. Ako man ay pupunta roon.’ Maraming tao at bansang makapangyarihan ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog sa Panginoon. Sa araw na yaon, sampu-sampung dayuhan ang mangungunyapit sa bawat Judio at makikiusap na isama sila dahil sa balitang ang mga Judio ay pinapatnubayan ng Diyos.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos. Sa bundok ng Sion, itinayo ng Diyos ang banal na lungsod. ang lungsod na ito’y higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob. Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lungsod ng Diyos. Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos. Pag itinala ko yaong mga bansang sa iyo’y sasama, aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia; ibibilang ko rin yaong Filistia, Tiro at Etiopia. At tungkol sa Sion, yaong sasabihi’y, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan, siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.” Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos. Ang Poon ay gagawa, ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan, ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw. Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos. ALELUYA Marcos 10, 45 Aleluya! Aleluya! Anak ng Tao’y dumating upang sarili’y ihain; Lingkod, Manunubos natin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 9, 51-56 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas