April 21, 2024

April 21, 2024

Sunrise Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Tema: Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. Pagninilay: Ngayong kalagitnaan ng Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ating pagnilayan ngayon ang Muling Nabuhay na Panginoon, ang Mabuting Pastol ng mga buhay at kaluluwa. Nang siya’y ipinanganak sa Bethlehem, dinaluhan Siya ng mga pastol, at sila’y napaluhod nang makita nila ang Tagapagligtas na nakahimlay sa sabsaban. Sa pangyayaring iyon, si Hesus ay ang Mabuting Pastol na umaakay sa kanyang mga kawan. Inialay niya ang buhay niya sa kanila para sila’y mabuhay. Kahit sabihin natin na ang kwento ng pagtubos ay para sa lahat, hindi lahat ay naniwala sa Bugtong na Anak ng Diyos. Kaya ang mga naniwala sa kanya ay naligtas na, at sila’y tinatawag ngayon na mga Kristiyano, ang kanyang mga kawan. Tayo rin ay ang kanyang mga kawan, kung dininig natin ang kanyang tinig. Bago pa man dumating si Kristo sa sanlibutan, pinili na ng Panginoong Diyos ng mga pinuno na magmumuno sa Israel. Hindi sila’y perpekto at makapangyarihan, ngunit mayroon silang mapagkumbaba na puso para dinggin ang tinig ng Diyos. Si Noe ay isang lasengero. Si Abraham ay tinawag na iwan ang kanyang mga are-arian. Si Esau ay minahal ni Isaac, ngunit ang pagtuturing ni Rebekah kay Jacob ay ganun rin ang paraan ng Diyos. Kaya pinaglaruan ni Jacob ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagkuha ng pwesto bilang panganay. Si Moises ay natagpuang nakalutang sa ilog, at siya’y ipinalaki ng anak ng Faraon. Si Haring David ay isang pastol. Ngunit nang siya ay namumuno sa bayan, nakiapid siya sa asawa ng isa sa mga kawal. Sa halip ng mga ito, tinuturing pa rin sila ng Diyos dahil sila’y pinili na maging mga pinuno ng Israel, at turuan ang mga tao ng kanyang mga utos. At sa pagdating ng panahon, naparito ang ating Panginoong Hesukristo para ipakita sa atin ang daang tungo sa Ama. Bilang kanyang mga kawan, dapat tayo’y mamuhay nang mabubuti, at gumawa ng mga mabubuting gawa. Sa ating paglalakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y maging mga pastol tayo sa ating mga kapwa, at turuan sila ng tamang pamumuhay sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila. Bago pa man dumating si Kristo sa sanlibutan, pinili na ng Panginoong Diyos ng mga pinuno na magmumuno sa Israel. Hindi sila’y perpekto at makapangyarihan, ngunit mayroon silang mapagkumbaba na puso para dinggin ang tinig ng Diyos. SUNRISE" is a weekly reflection for the SJDEFI Family. The title is based on the Gospel of St. Luke 1: 78-79 which says, "Because of the tender mercy of our God, where by the 'SUNRISE' shall visit us from on high to give light to those who sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the path of peace.” “SUNRISE” gives LIFE to our weary body and soul; HOPE to the promise of possibility; PEACE to go deeper to self and deepening relationship with God; and, LOVE to do or live what God desires. Be a SUNRISE to others! DISCLAIMER: SJDEFI don't own the COPYRIGHT of the song.