
Disyembre 24, 2023-San Lorenzo Ruiz Parish -Ika-4 Linggo ng Adbiyento na/ika-9 araw ng Misa De Gallo
Buksan ang Ating Puso Ang mga pagbasa ngayon ay nag-aanyaya sa ating magnilay sa presensiya ng Diyos na tunay ngang nakapagpapasigla. Iyo’y di tulad ng sa isang espiya o ng sa isang hukom na nakababagabag o ikinatatakot. Sa halip, ang pamamalagi ng Diyos sa ating piling ay bukal ng ating kaligtasan, isang kaloob na nakapagpapabago sa ating mga buhay, nakapagdudulot ng pag-asa at kapayapaan. Ngunit kung nais nating malasap ang lahat nitong dulot na kabutihan, dapat tayong tumugon nang marapat sa Diyos. Ito’y sa pagbubukas ng ating mga puso sa Kanya nang buong pasasalamat at pananabik, tulad ng halimbawa ni Mariang Kabanal-banalan, na nagpahayag ng kanyang lubos nakahandaang sumunod sa anumang nais ng Diyos. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/