
SALMO 26 - Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan.
Salmo 26:1, 4, 13-14 Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon, A Music Sheet: / iampsalmist RCRamos (2019) Tugon: Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan, kaya walang takot ako kaninuman; sa mga panganib kanyang iingatan, kaya naman ako’y walang agam-agam. (T) Isang bagay lamang ang aking mithiin, isang bagay itong sa Poon hinihiling: ang ako’y lumagi sa banal na templo upang kagandahan niya’y mamasdan ko at yaong patnubay niya ay matamo. (T) Ako’y nananalig na bago mamatay masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan na igagawad mo sa mga hinirang. Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala! Ating patatagin ang paniniwala; tayo ay umasa sa kanyang kalinga! (T)