SUNDAY HOMILY (SEPTEMBER 22, 2024) | IKA 25-LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (B) | DOM LORENZO,, SSCV 🌿

SUNDAY HOMILY (SEPTEMBER 22, 2024) | IKA 25-LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (B) | DOM LORENZO,, SSCV 🌿

PAGHAHARI NG MGA MAPAGPAKUMBABA Malinaw ang pahayag ng Panginoon ukol sa kahalagahan ng pagpapakumbaba sa Ebanghelyo ngayong Ika-25 Linggo sa kalendaryo ng Simbahan (Taon B). Ani Hesus, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” (Marcos 9, 30-37). Saad ng Simbahan, “the way to be great in the Kingdom of God is to be ‘the servant of all.’ Jesus calls his disciples to serve others with sacrificial love.” Paanya sa tanan ngayong Linggo ang pagtanggap sa hamon ng Paninoon na maglingkod bilang pakikilahok sa Kanyang mapagligtas na pag-ibig. Sa Mabuting Balita, mababasa ang tagpo na alagad ay nagtatalu-talo sa daan at ito ay dahil sila ay nagpapagalingan kung sino sa kanila ang pinakadakila. Pinanilawagan ng Panginoon ang mga alagad upang masugpo ang masamang nasa o hangarin sa kanilang kalooban.. Ibinigay ni Hesus bilang halimbawa ang pagtanggap sa isang maliit na bata bilang pagtanggap na rin mismo sa Kanya. Binibigyang-diin ng Panginoon sa mga alagad na ang kadakilaan ay makakamit kung tutularan ang mga katangian ng mga bata sa paglilingkod at pagkakawanggawa. Paliwanag ni Pope Francis, “In God’s eyes, greatness and success are measured by service; to act like Jesus who summing up his life in a few words, said he had come not to be served but to serve. Therefore, if we want to follow Jesus, we must follow the path He himself traced out, the path of service.” Hindi madaling maunawaan at tanggapin ang mga pahayag ng Panginoon ngayong Linggo lalo’t higit kung nakakapit pa rin tayo sa ating sariling lakas at dunong. Nais ni Hesus maunawaan natin na ang kaligtasaan na Kenyang handog ay nangangahulugang pagsuko at pag-aalay ng Kanyang buhay na nangangahulugang malayang pagsupil sa sarili. Kung walang pagpapakumbaba hindi natin mauunawan ang pamamaraan ng Diyos na talagang ibang iba sa pamamaraan ng tao. Kailangan nating magkaroon ng kaisipan nang katulad ng kay Hesus (Filipos 2,5) upang sumaatin ang Espiritu ni Kristo; Sa ganitong paraan lamang natin maiintindihan sa wakas ang mga bagay ayon sa pananaw ng Diyos. Sa huli, saad ni Pope Francis, “challenged by the Gospel, let us ask ourselves: Am I who follow Jesus, interested in the one who is neglected? Or am I rather seeking personal gratification, like the disciples that day?” Nawa ani Pope tulungan tayo ng Mahal na Birhen na hindi tayo pinabababa, bagkus iniaangat pa ng mapagpakumbabang pagsisilbi.