Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  03 Nov  2023  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 03 Nov 2023 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Biyernes sa Ika-30 Linggo ng Karaniwang Panahon November 03, 2023 Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Friday of the Thirtieth Week in Ordinary Time UNANG PAGBASA Roma 9, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid, saksi ko si Kristo na katotohanan ang sinasabi ko; hindi ako nagsisinungaling. Saksi ko rin ang Espiritu Santo na malinis ang aking budhi sa sasabihin kong ito sa inyo: matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso tungkol sa aking mga kalahi at mga kababayan, anupat mamatamisin kong ako’y sumpain at mawalay kay Kristo, alang-alang sa kanila. Sila’y mga Israelita at itinuring ng Diyos na mga anak niya. Nakita nila ang maliwanag na tanda na nagpapakilalang siya’y kasama nila. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos; sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang mga pangako. Sila’y nagmula sa mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ang Kristo nang siya’y maging tao, Diyos na Kataas-taasan, na pinapupurihan magpakailanman! Amen. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion. Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas. Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo, bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin, ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin ang Panginoon! Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. ALELUYA Juan 10, 27 Aleluya! Aleluya! Ang tinig ko’y pakikinggan ng kabilang sa ‘king kawan, ako’y kanilang susundan. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 14, 1-6 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Hesus ang isang taong namamanas. Kaya’t tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” Ngunit hindi sila umimik, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Kung kayo’y may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga?” At hindi sila nakasagot sa tanong na ito. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.