January 19 |Kapistahan ng Sto. Niño

January 19 |Kapistahan ng Sto. Niño

📺 Paghamong Lumago sa Karunungan at Grasya Naranasan mo na bang mawala habang nasa labas kayo ng iyong mga magulang? Karaniwan kapag sinasama tayo ng ating mga nanay o nakatatanda na mag-shopping, tayo ay nalilibang sa paglalaro, pag-iikot at pagtingin-tingin sa mga tinda. Kung hindi tayo napansin ng kasama natin, ay maaari tayong mawala! Naku! Anong takot ang mararamdaman nila kapag napansin nilang wala na tayo sa kanilang paningin? Ganito rin ang nangyari sa banal na mag-anak sa sipi ng Ebanghelyo ngayong linggo. Takut na takot sina Maria at Jose nang mapansing nawawala ang kanilang anak na si Hesus pagkagaling nila sa Pista ng Paskuwa! Saan nila natagpuan si Hesus? 🍎 Huwag kalimutang i-download at sagutan ang LiturgyFun worksheet para sa linggong ito! 👇 https://katolago.com/liturgyfun/