SALMO 97 - Panginoong nagliligtas sa tanang bansa'y nahayag.

SALMO 97 - Panginoong nagliligtas sa tanang bansa'y nahayag.

Salmo 97:1, 2-3ab, 3kd-4 Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon, K Music Sheet:   / iampsalmist   RCRamos (2019) Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa'y nahayag. Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay, pagkat yaong ginawa N’ya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas Niya at taglay na kabanalan, walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay. (T) Ang tagumpay Niyang ito’y Siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa Israel lubos Niyang tinutupad. (T) Tapat Siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas! Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig; Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit! (T)