Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  15 Jun  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 15 Jun 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Sabado ng Ika-10 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. June 15, 2024 UNANG PAGBASA 1 Hari 19, 19-21 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga araw na iyon, umalis si Elias mula sa bundok at natagpuan niya si Eliseo na nag-aararo. Labindalawang pares ng toro ang ginagamit niya, at kaagapay siya ng huling pares. Pagdaan ni Elias sa tapat ni Eliseo, isinuklob niya rito ang kanyang balabal. Pagdaka’y iniwan ni Eliseo ang mga toro, humabol kay Elias at nakiusap: “Magpapaalam po muna ako sa aking ama’t ina, at pagkatapos ay sasama na ako sa inyo.” Sumagot naman si Elias: “Sige, umuwi ka muna.” Umuwi nga si Eliseo. Nagpatay siya ng isang pares na toro at iniluto. Ginamit niyang panggatong ang mga pamatok at mga araro. Ipinakain niya ito sa mga tao, at sumunod kay Elias at naging katulong nito. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 D’yos ko, aking kapalara’y manahin ang iyong buhay. O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod, ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog; “Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos, “Kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.” Ikaw lamang, O Poon ko, ang lahat sa aking buhay, ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan. D’yos ko, aking kapalara’y manahin ang iyong buhay. Pinupuri ko ang Poon na sa akin ay patnubay. Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay. Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras. Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag. D’yos ko, aking kapalara’y manahin ang iyong buhay. Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak. Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak, sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas. D’yos ko, aking kapalara’y manahin ang iyong buhay. ALELUYA Salmo 118, 36. 29b Aleluya! Aleluya! Sa salita mo akitin ang puso ko at loobin nang ikaw ay aking sundin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 5, 33-37 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig pa ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang sisira sa iyong pinanumpaang pangako bagkus ay tupdin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong sumumpa kung nangangako kayo. Huwag ninyong sabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito’y trono ng Diyos; o kaya’y ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito’y tuntungan ng kanyang mga paa. Huwag din ninyong sabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito’y lungsod ng dakilang Hari. Ni huwag mong sabihing, ‘Mamatay man ako,’ sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo’y hindi mo mapapuputi o mapaiitim. Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi; sapagkat buhat na sa Masama ang anumang sumpang idaragdag dito.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas