
LIVE | IKATLONG ARAW NG SIMBANG GABI (December 18, 2021 | 4:00 AM)
LIVE | IKATLONG ARAW NG SIMBANG GABI (December 18, 2021 | 4:00 AM) Sa Ebanghelyo, ipapahayag ng anghel kay Jose ang pagpili sa kanya ng Diyos para maging legal na ama ni Jesus at tagapag-alaga sa Banal na Mag-anak. Hindi nag-atubili si Jose at agad niyang inaruga si Maria at ang sanggol. Lahat tayo ay pinili ng Diyos upang isakatuparan ang kanyang kagustuhan. Sa nalalapit na Pasko ng Pagsilang, alalahanin nating ang pagtupad sa kagustuhan ng Diyos ang pinakadakilang regalong maaari nating maihandog sa kanya. Sa mga pagkakataong tila humihiwalay tayo sa kanyang kagustuhan, dumalangin tayo sa kanya upang tayo’y manatiling tapat sa pagtugon sa kanyang paanyaya. #OnlineMass #LivestreamedMass #SimbangGabi2021 #Pasko2021 #SIP2021 #SIPSOCCOM