
HOLY FILIPINO MASS TODAY || Sept 9 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today September 09, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Setyembre 09 Featured Playback . Banal na Misa Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 23rd Week in Ordinary Time. ALELUYA Juan 15, 16 Aleluya! Aleluya! Hinirang tayo ni Kristo upang mamungang totoo bilang mabubuting tao. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 6, 12-19 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil. Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.