Banal Na Rosaryo | Ang Misteryo Ng Liwanag - March 21, 2024

Banal Na Rosaryo | Ang Misteryo Ng Liwanag - March 21, 2024

Muli po naming iniimbitahan ang lahat na makibahagi sa isang panibagong araw ng panalangin ng banal na Santo Rosaryo. Ang banal na Santo Rosaryo ay isang sagradong pagpapahayag ng ating pananampalataya at pagkakaisa. Sa pamamagitan nito, nagbibigay tayo ng pasasalamat sa ating Mahal na Birhen at humihiling sa pamamagitan niya ng biyaya at patnubay mula sa ating Poong Maykapal para sa ating mga sarili at sa ating kapwa. Nawa'y maging bahagi kayo ng ating araw-araw na pananalangin, upang sama-sama nating itaas ang mga kahilingan ng ating mga puso at ang mga pangangailangan ng ating komunidad. Maraming salamat po at nawa'y makatanggap tayo ng masaganang biyaya sa pamamagitan ng ating pananalangin ng banal na Santo Rosaryo.