Disyembre 20, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Ikalimang Araw ng Misa De Gallo

Disyembre 20, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Ikalimang Araw ng Misa De Gallo

Ang Diyos na Nakipamayan sa Atin Naniniwala tayo sa isang Diyos na totoong kabahagi natin sa ating buhay at sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang Kanyang pakikiisa sa buhay rito sa lupa ay umabot sa karurukan sa Pagkakatawang-tao ngunit di nagwakas sa Pag-akyat sa Langit. Si Hesus ay patuloy pa ring “Emmanuel,” o “ang Diyos sa piling natin.” Siya ang ating Kuya, kasama sa paglalakbay, guro, kapwa, at “partner.” At ito ay dahil si Mariang Kabanal-banalan, mahigit 2,000 taon nang nakalilipas sa Nazaret, ay pumayag na maging kanyang masuyo at tapat na ina. Habang lalo tayong puspusang naghahanda para sa paggunita sa kapanganakan ni Hesus, buhayin nating muli ang ating pananalig na Siya’y lagi nating kapiling. Nasa bukana Siya ng ating mga puso at naghihintay na patuluyin natin. Buksan natin ang ating mga puso para sa Kanya habang naghahanda tayo sa pagsisimula ng pagdiriwang natin ng Eukaristiya ngayong ikalimang araw ng ating Simbang Gabi. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at:   / sanlorenzoruizparish   For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/