FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Aug 28,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Aug 28, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) August 28, 2025 HUWEBES sa IKA-21 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan Twenty-first Week || Healing Thursday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA 1 Tesalonica 3, 7-13 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica Dahil sa inyong pananalig kay Kristo, mga kapatid, naaliw kami sa gitna ng aming hirap at pagkabalisa. Ang pananatili ninyong matatag sa pananampalataya ang nagpasigla sa buhay namin. Paano kaya namin mapasasalamatan nang sapat ang Diyos sa kagalakang dulot ninyo sa amin? Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo’y muli naming makita at matulungan sa ikagaganap ng inyong pananampalataya. Loobin nawa ng ating Diyos at Ama at ng ating Panginoong Hesukristo na makapunta kami riyan. Palaguin nawa at pag-alabin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa’t isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Kung ito ang mangyayari, palalakasin niya ang inyong loob. Sa gayun, kayo’y mananatiling banal at walang kapintasan sa harapan ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Hesus, kasama ang mga hinirang niya. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 89, 3-4. 12-13. 14 at 17 Pag-ibig mo’y ipadama, aawit kaming masaya. Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos. Ang sanlibong mga taon, ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan. Pag-ibig mo’y ipadama, aawit kaming masaya. Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong hanggang kailan magtitiis na magdusa, Panginoon, kaming iyong mga lingkod na naghihirap sa ngayon. Pag-ibig mo’y ipadama, aawit kaming masaya. Kung umaga’y ipadama ang pag-ibig mo’t paggiliw at sa aming buong buhay may galak ang awit namin. Panginoon naming Diyos, kami sana’y pagpalain, magtagumpay sana kami sa anumang aming gawin. Pag-ibig mo’y ipadama, aawit kaming masaya. ALELUYA Mateo 24, 42a. 44 Aleluya! Aleluya! Lagi tayong magtanod sapagkat di natin talos ang pagbabalik ni Hesus. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 24, 42-51 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan. “Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas