
Disyembre 24, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Online - Ikasiyam na Misa De Gallo
Malapit na ang Pagbubukang-Liwayway Ngayo’y ikasiyam na araw na ng ating Simbang Gabi! Malapit na ang pagbubukang-liwayway ng araw ng kaligtasan. Marami sa atin ang nagsikap sa loob ng siyam na araw. Malugod na umaasa ang Diyos na magiging lalong masidhi ang ating paghahanda sa pagsalubong at pagtanggap kay Hesus sa ating mga puso at sa ating mga mag-anak. Ituon natin ngayon ang ating malasakit at pagmamahal sa tanang sangkatauhan, lalo na sa mga nananatili pa rin sa karimlan ng pagdurusang bunga ng mga digmaan, kalamidad, pagkakasakit, o pagkakalayo-layo sa kani-kanilang mahal sa buhay. Kasama ng ating mga personal na kahilingan, idulog natin sa Panginoon ang mga pangangailangan at mithiin ng lahat ng taong may mabuting kalooban. Malukuban nawa ang buong sangkatauhan ng Kanyang liwanag at kapayapaan! Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/