
MALIGAYANG KAPISTAHAN, SAN AGUSTIN DE BALIWAG! | #PistangPatron2023
MALIGAYANG KAPISTAHAN, APO GUSTIN! Ating ipinagdiriwang sa araw na ito, Agosto 28, ang DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN AGUSTIN NG HIPONA, isang Obispo at Pantas ng Simbahan, Doctor de la Gracia at Patron ng Makasaysayang Lungsod ng Baliwag. Ating ipamanhik at ibulong kay San Agustin ang ating mga samo at dalangin at tayo nawa ay kanyang gabayan araw-araw patungo sa kabanalan at sa minimithi nating Lungsod ng Diyos sa kalangitan. Maligayang Kapistahan ni Apo Gustin, mga ka-Parokya! Viva San Agustin! Viva!