
Jusstunna - Kung alam mo lang
Lyrics: Bilang nalang ang katulad kong ganto Buong katawan halos mapuno ng tattoo Pero di nila alam di ako umiinom di ko rin sinubukan mga nilalagay sa bong Kahit nga yung tumikim hindi ko ginawa Kahit nga nung dumilim at di alam san pupunta Di ako nagpadala sa mga tropang nag aya Kahit pa alam kong may panandalian na saya Sa pag ibig na sawi At di alam ang gagawin Ang hirap ngumiti Kapag meron dinadaing Masyadong masakit At di ko kaya mag isa Ako ay nagpagaling Kasi may pagkabalisa Ako’y victima ng pagibig na halos mabaliw At kailangan uminom ng gamot para gumaling Di ko akalain na ako ay makakaalis Sa sitwasyon na ang kalaban ko nasa salamin Oo nasa salamin ang kalaban Nasasayo rin kung pano mo to tatakasan Kakahanap ng daan kung san san At kung ano ano na napapasukan Okay lang naman basta meron natututunan Natural lang naman na ang mali madaanan Pero di porke sinabe ko hindi mo iiwasan Hanggat kaya at may napipiga ay subukan Di porke may pinagdadaanan hanggang dito nalang Tulungan mo sarili mo wag kang mawalan Ng pag asa dami sayo nagmamahal Kaibigan pamilya yung iba wala na niyan Ako ngang madalas mahusgahan Napagkakamalang kabilang sa mga gang Kaya pinamagatan kong kung alam mo lang Kung papakinggan mo dito ko pinadaan Mga karanasang di ko na babalikan Mga kamaliang pinagsisisihan Aking natutunan dapat mong maintindihan Na hindi lahat kaya ka nilang magustuhan Kaya madaling nalang para sakin ang lahat Nung una mahirap at hindi ko pa to matanggap Hanggang sa natutunan ko na ok lang magpanggap Ngingitian ko nalang na parang ok lang ang lahat