Daily Gospel Tagalog, October 29, 2023, Ang Mabuting Balita ng Panginoon, Mateo 22: 34-40
MABUTING BALITA Mateo 22, 34-40 October 29, 2023 Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #angmabutingbalitangpanginoon #pagkaingespirituwal #gospeltagalog #mabutingbalita #bibliya