![[INSTRUMENTAL Ver 2] For November 6, 2022 Mass | Salmo 16: Paggising Ko, Poong Sinta, Sa Piling Mo’y](https://krtube.net/image/46t7RFf8Vfw.webp)
[INSTRUMENTAL Ver 2] For November 6, 2022 Mass | Salmo 16: Paggising Ko, Poong Sinta, Sa Piling Mo’y
with LYRICS & CHORDS: • For November 6, 2022 Mass | Salmo 16 ... Original Composition by: Rolly Ocampo 羅利 for November 6 Mass | Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Salmo 16: 1, 5-6, 8b at 15 SALMONG TUGUNAN: Paggising Ko, Poong Sinta, Sa Piling Mo’y Magsasaya. 1. Dinggin mo po, Panginoon, ang tapat kong panawagan,/ Poon, ako ay dinggin mo, sa daing ko na tulungan;/ pagkat ako’y taong tapat, di nandaya kailanman, kaya ako'y sumasamong dalangin ko ay pakinggan. (T) SALMONG TUGUNAN: Paggising Ko, Poong Sinta, Sa Piling Mo’y Magsasaya. 2. Palagi kong sinusundan ang landas mong itinakda,/ hindi ako lumilihis sa kanan man o kaliwa./ Ang daing ko, Panginoon, ay lagi mong dinirinig,/ kaya ako’y dumudulog at sa iyo humihibik. (T) SALMONG TUGUNAN: Paggising Ko, Poong Sinta, Sa Piling Mo’y Magsasaya. 3. Kung paanong sa mata mo’y lubos ang ’yong pag-iingat,/ gayon ako ingatan mo sa lilim ng iyong pakpak./ Yamang ako ay matuwid, ang mukha mo’y mamamalas/ kapag ako ay nagising, sa piling mo’y magagalak. (T) SALMONG TUGUNAN: Paggising Ko, Poong Sinta, Sa Piling Mo’y Magsasaya.