LANDAS NG PAG-ASA : “TAPAT NA PAGSUNOD”

LANDAS NG PAG-ASA : “TAPAT NA PAGSUNOD”

MIYERKULES, DISYEMBRE 18, 2024 Miyerkules ng Ika-tatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Paggunita kay San Malachi, Propeta LANDAS NG PAG-ASA : “TAPAT NA PAGSUNOD” [MABUTING BALITA]: MATEO 1: 18 - 25 Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, At tatawagin itong “Emmanuel,” ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos”. Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang Hesus. Video by Mayette Salvedia : Missionary-Co-founder of Sambahayan ng Diyos Community. Intercessor. Spiritual Formator. Covenanted Member-Ang Ligaya ng Panginoon #POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel