CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || Sep  30  MONDAY MASS  |  REV FR DOUGLAS BADONG

CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || Sep 30 MONDAY MASS | REV FR DOUGLAS BADONG

Catholic Holy Mass Today September 23, 2024 Playback Online Mass LUNES sa Ika-26 Linggo ng KARANIWANG PANAHON Setyembre 30 Featured Playback Mass. MABUTING BALITA Lucas 9, 46-50 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila. Batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya. At sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang pinakaaba sa inyong lahat ay siyang pinakadakila.” Sinabi ni Juan, “Guro, nakita po namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ninyo. Pinagbawalan namin siya sapagkat siya’y hindi natin kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan; sapagkat ang hindi laban sa atin ay kapanig natin.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.