
Daily Mass Readings Tagalog, Ang Mabuting Balita ng Panginoon, December 29, 2023,
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ngayong araw December 29, 2023 Ika-5 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang MABUTING BALITA Lucas 2, 22-35 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa kautusan ni Moises, ang mga magulang ni Hesus ay pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.” May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika, “Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin, ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa: Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.” Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.” Daily Mass Readings Tagalog Unang Pagbasa Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan 1 Juan 2: 3-11 Salmong Tugunan Salmo 95: 1-2a. 2b-3, 5b-6 Aleluya Lucas 2: 32 #gospeltagalog #mabutingbalita #massreadingtagalog #angmabutingbalitangpanginoon