
LANDAS NG PAG-ASA: Tatlong Pagpapahayag Ng Mga Biyaya ng Diyos.
MARTES, DISYEMBRE 27, 2022 Kapistahan ni Apostol San Juan, Manunulat ng Mabuting Balita LANDAS NG PAG-ASA: Tatlong Pagpapahayag Ng Mga Biyaya ng Diyos. [MABUTING BALITA] JUAN 20: 2-8 Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala. Pagninilay ni: JV Salayo : Teacher/Education consultant. Assistant site leader-Pathways Sta. Rosa. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community. #POHopegiver #LandasngPagasa