Disyembre 19, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Ikaapat na Araw ng Misa De Gallo
Magtiwala Tayo sa Diyos Kung minsan, hinahamon ng Diyos ang mga taong magtiwala sa Kanya kahit na tila “imposible” ang Kanyang mga balak. Ang salaysay tungkol sa pag-aalinlangan ni Zacarias ay babala sa atin na ang mga nagdududa sa salita ng Diyos ay natutulala at di-makakibo, sa katuparan ng banal na balakin ng Diyos. Sa kabilang dako, ang nagsisitanggap sa plano ng Diyos nang buong pananalig at handang makipagtulungan sa Kanya ay nagiging kasangkapan ng Kanyang pag-ibig at kapangyarihan. Hinahamon tayo ng liturhiya ngayon upang mamili sa pagiging saksi lamang sa mga kamanghaan at kadakilaan ng Diyos o pagiging masisigla Niyang katulong sa pagliligtas. Sa liturhiya ngayon, inaanyayahan din tayong magnilay at magdasal para sa mga matatanda at mga walang anak sa ating lipunan. Nakasalalay ang kanilang kaligayahan sa kung paano natin sila pinakikitunguhan. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/