
SP Escudero, kinumpirmang in-invoke ng Palasyo ang executive privilege sa pagdinig sa Duterte arrest
Kinumpirma ni Senate Pres. Chiz Escudero na sumulat ang Palasyo sa kanya at kay Sen. Imee Marcos para i-invoke ang executive privilege sa pagdinig ng Senado hinggil sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng International Criminal Court #ICC warrant. Ayon kay Escudero, si Executive Secretary Lucas Bersamin ang sumulat sa ngalan ni Pres. Bongbong Marcos. Pinabulaanan naman niya ang alegasyong pinakiusapan niya si Sen. Marcos na huwag nang ituloy ang pagdinig. Aniya, may kalayaan ang senadora na ipagpatuloy ang imbestigasyon. #News5 | via Maeanne Los Baños-Oroceo Follow News5 and stay updated with the latest stories! / news5everywhere / news5ph / news5everywhere / news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph