MAGPAKATOTOO| Homily on the Feast of Saints Michael, Gabriel & Raphael, Archangels| Fr. Noman, SSS

MAGPAKATOTOO| Homily on the Feast of Saints Michael, Gabriel & Raphael, Archangels| Fr. Noman, SSS

#StsMichaelGabrielRaphael #ArchangelsMichaelGabrielRaphael #HomilySept29 May karanasan ka din ba na parang naloko ka? Yung kasabihan 'Maling Akala'. Akala mo totoo ang sinasabi saiyo, ang mga papuri saiyo? Akalang kaibigan? Akala mo mahal ka? Akala mo nagbago na? Akala mo totoo saiyo ang mga ginagawa, sinasabi at pinapakita, yun pala MALING AKALA. Kapag sinabing Maling Akala, ibig sabihin Hindi Totoo. O sa pananalitang ating naririnig ay plastic. Hindi geniune. Hindi Sincere. Diba kapag ganito ang nangyayari at napagtatanto natin na talagang hindi totoo ang taong ito, madalas natatawa o napapangiti na lang tayo dahil nabiktima tayo ng taong hindi Sincero at hindi totoo. Ang taong hindi sincero at hindi totoo, ang kanyang niloloko ay ang kanyang sariling pagkatao. Pinapaalala sa atin ng mga salita ni Hesus, 'here is a TRUE child of Israel, there is no DUPLICITY in him.' Sa bikol translation ng duplicity ay parasaginsagin. Magpakatotoo tayo sa ating puso at pagkatao. Marami pa din ganito sa ating paligid lalo na ngayon pandemic, mga taong mapagpanggap pero may mga hidden agenda sa kapwa. Nabibiktima ang ating mga kapwa lalo na ang mga dukha at mga frontliners. Kahit sa simbahan may mga ganito pa din. Ang kafiestahan ng Archangels MICHAEL, GABRIEL at RAPHAEL, ay nagpapaalala sa bawat isa na MAGPAKATOTOO TAYO TULAD NILA. Katulad ni Nathanael, KILANGKILA TAYO NI HESUS. Sa Eukaristiya, tayo ay tinatawag na magpakatotoo sa ating salita, sa isip, lalo na sa ating gawa. Tayo rin sana ay maging mga Anghel sa kapwa na totoong naglilingkod at nagmamahal ng totoo! Walang duplicity kundi may SINCERITY. Upang sa gayon tayo ay totoong naging Eukaristiya para sa bawat isa na nagmamahal at nagmamalasakit sa ating Kapwa. Tulad ni St. Michael inilalayo din natin sana ang kapwa sa mga gawaing hindi magaganda tulad ng paninira ng at tsismis, lalo na ang hindi pagiging totoo. Tandaan ang demonyo ay mapagpanggap. Ang demonyo ay mapagkunwari. Kaya magingat at tingnan mabuti ang ating mga sarili. Tulad ni Gabriel, tayo rin ay magsumikap na ang ating BINABALITA SA KAPWA AY GOOD NEWS hindi fake news. Sa ating kilos, salita, pagkatao at puso tayo ay maging totoo alang alang sa pagmamahal ng Diyos saiyo at sa atin. Tulad ni St. Raphael, tayo rin ay maging daan ng Kagalingan ng ating kapwa. Na sa pamamagitan ng pagiging totoo mo, nararamdaman ng kapwa ang kagalingan ng Diyos para sa kanila na dumaloy saiyo dahil ang puso at pagkatao mo ay totoo. Ang Eukaristiya ay ang Totoong Presencia ng Diyos kay Hesus upang tayo rin ay magpakatotoo sa ating Puso at Pagkatao. Kaya mo bang magpakatotoo sa sarili mo, sa kapwa, sa Kalikasan at higit lalo na sa Diyos? Bago pa tayo tawagin kilalang-kilala na tayo ng Diyos. Hindi tayo pwedeng magpanggap o magkunwari kay Lord. Magpakatotoo tayo dahil tayo ay nilikha na kawangis ng Diyos. Remember, BE STILL and KNOW that HE IS GOD." Fr. No, SSS