
LANDAS NG PAG-ASA : “MAGING PARISEO O MAGING SANTO”
MIYERKULES, OKTUBRE 15, 2025 Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan LANDAS NG PAG-ASA : “MAGING PARISEO O MAGING SANTO” [MABUTING BALITA]: LUCAS 11:42-46 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito nugnit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba. “Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.” Sinabi sa kaya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.” Video by Edwin Cano : Principal Consultant (Electric Power System Planning and Operations); Servant Worker for Brotherhood of the King, Communion Prayer Group and The Heart of Mary prayer group.