
Pagibig Mong Walang Maliw(Salmo 88)-Para sa ika-4 na Linggo ng Adbiento(B) at ika-9 na Simbang Gabi
Salmong Tugunan para sa ika - 24 ng Disyembre, 2023 (Pagmimisa ng Adbiento at Simbang Gabi/Misa De Gallo) Music Sheet: https://drive.google.com/file/d/1gLtj... Minus One: https://drive.google.com/file/d/1v5-U... Salmo 88: 2-3. 4-5, 27 at 29 Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. 1. Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin, Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan. (Tugon) 2. Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan na iyong ginawa kay David mong hirang at ito ang iyong pangakong iniwan: “Isa sa lahi mo’y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.” (Tugon) 3. Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos, tagapagsanggalang niya’t Manunubos. Ang aking pangako sa kanya’y iiral at mananatili sa kanya ang tipan. (Tugon) COPYRIGHT © 2023 by MOJ Music Harmony ALL RIGHTS RESERVED non commercial and worship use permitted.