KAPISTAHAN NI SAN MATEO, MANUNULAT NG MABUTING BALITA | TAGALOG MASS | DOM LORENZO MARIA, SSCV
PISTA NI SAN MATEO Ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni San Mateo, Apostol at Manunulat ng Mabuting Balita. Si Mateo (sa Hebreo, ‘kaloob ng Diyos’) ay isa sa labindalawang Alagad ni HesuKristo. Anak siya ni Alfeo at tinawag sa pagka-disipulo ng Panginoon habang naniningil ng buwis sa bayan ng Capernaum. Binuo ni Kristo ang grupo ng Kanyang mga Apostol upang makasama sa pagpapayahag sa pagdating ng Kaharihan ng Diyos at pahahanda sa mga tao. Ang pagpili ng Panginoon kay Mateo ay kapansin-pansin dahil sa masalimuot na hanapbuhay nito bilang katuwang ng mga dayuhang sumakop sa mga Hudyo. Hindi maganda ang pagtanggap ng mga kapwa-Hudyo kay Mateo bilang tagakoleta ng buwis dahil sa pang-aabuso ng mga ito sa katungkulan at pagpapahirap sa mga kababayan. Sa Ebanghelyo itinuturing na makasalanan ang mga ito katulad ng mga patutot, magnanakaw at iba pang kriminal. Sa kaso ni Mateo, mayroong paisa- isang naniwala sa kanyang kabutihang-loob, si Hesus. Saad ni Pope Francis, “God excludes no one and wants each of us to achieve his or her fullness. This is the love of our God, of our God who is Father.” Ito aniya ang naging karanasan ni Mateo na hinusgahan bilang makasalanan. Sa kanyang puwesto naratnan ng Panginoon si Mateo. “Sumunod ka sa akin,” wika ni Hesus at sumunod ito agaran. Tinitigan siya ni Kristo nang walang anumang panghuhusga. Nadama ng Panginoon ang kaawa-awang katayuan at kalagayan ni Mateo; alam din Niya ang ating sariling sitwasyon at pinagdaraanan! Ang personal na paanyaya ni HesuKristo ay sapat na kay Mateo upang baguhin ang landas ng kanyang buhay. Tumindig siya at sumunod kay Hesus. Iniwan niya ang kanyang puwesto at di na muling bumalik pa, bagkus naging isang ganap siyang Apostol, Manunulat ng Mabuting Balita at Martir. Ipinahintulot ni San Mateo umabot sa kaibuturan ng kanyang puso ang mapagpatawad at mahabaging titig ng Panginoon. Sadyang kamangha-mangha ang tagpo, lalo na kung matanto na tayo rin ay iniimbitahan ni Hesus na Siya’y sundan sa gitna ng ating pagiging makasalanan. Nawa katulad ni Mateo hayaan rin nating hipuin at hilumin tayo ng Diyos. San Mateo, Ipanalangin Mo kami!