
DECEMBER 10 2024 : MABUTING BALITA NG PANGINOON : MARTES : DAILY GOSPEL READING TAGALOG
Ang Mabuting Balita ng Panginoon December 10, 2024. Martes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon. MABUTING BALITA Mateo 18: 12-14 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu’t siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo #biblereadingtagalog #gospeltagalog #mabutingbalita #pagkaingespirituwal #bibliya #tagalogmassreadings