Disyembre 25, 2023 - San Lorenzo Ruiz Parish - Misa sa Pasko

Disyembre 25, 2023 - San Lorenzo Ruiz Parish - Misa sa Pasko

Si Kristo – Ang Ilaw ng Ating Buhay Simulan na natin ang pinakahihintay na pagdiriwang ng Bisperas ng Pasko sa pamamagitan ng batiang “ISANG PINAGPALANG PASKO!” Narito tayo di lamang para tumupad sa tradisyong panrelihiyon at pang-kultura, kundi para rin gunitain ang pagsilang ng Bugtong na Anak ng Diyos bilang tao. Ito ang pangyayaring nakapagpabago sa kasaysayan ng tao at patuloy pa rin sa kapangyarihang mapagbago ang ating buhay. Gayong kamanghaan ay magaganap kung tayo – bilang mga indibiduwal, bilang mga pamilya, at bilang pamayanan ng mga mananampalataya – ay magbubukas ng ating mga puso upang tumanggap kay Hesus tulad ng bukas-palad na pagtanggap sa kanya ni Mariang Kabanal-banalan bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas. Ito ang gawin natin habang isinasama natin sa ating mga kahilingan ang lahat ng pangangailangan ng mahal natin, ng buong pamayanan ng mga mananampalataya, at ng buong sangkatauhan. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at:   / sanlorenzoruizparish   For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/