Setyembre 17, 2023 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass - Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon
“Patawarin ang Aming Pagkakasala Gaya ng Pagpapatawad Namin . . .” Nabubuhay tayo ngayon sa mundong puno ng paghihiganti, galit, at walang patawaran. Di ito ang sitwasyong nais ng Diyos para sa atin. Sa laki ng Kanyang pagmamahal, sinugo Niya ang Kanyang Anak upang hatdan tayo ng kapatawaran, pagalingin ang mga sugat ng ating pagkakahati-hati, at turuan tayong mamuhay bilang mga miyembro ng Kanyang mag-anak. Noong araw ng kanyang muling pagkabuhay, nagpakita si Hesus sa kanyang mga disipulo upang sila’y patawarin at pagkalooban ng kapayapaan, at bago siya umakyat sa langit, sinugo niya sila sa buong mundo upang ihatid sa lahat ang mabuting balita ng mahabaging pag-ibig ng Diyos. Sa Eukaristiya ngayon, hilingin natin ang awa ng Diyos para sa atin at sa buong mundo, kasabay ng pagpapatawad natin sa mga nag kasala sa atin. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/