Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  02 Nov  2023  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 02 Nov 2023 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na KristiyanoM Hugeness sa Ika-30 Linggo ng Karaniwang Panahon November 02, 2023 Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time UNANG PAGBASA Karunungan 3, 1-9 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan Ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos, at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap. Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay; iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, sila’y nananahimik na. Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan, ngunit ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala napatunayan ng Diyos na sila’y karapat-dapat. Sila’y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan, kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog. Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal, magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami. Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig, at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman. Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan. At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig, sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 115, 15. 6; Salmo 116, 10-11. 15-16ak Sa piling ng Poong mahal ako’y laging mamumuhay. o kaya: Aleluya. Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsasalita, at hindi rin makikita, mga matang sadyang-sadya; at hindi rin makarinig ang kanilang tainga, ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila. Sa piling ng Poong mahal ako’y laging mamumuhay. Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang pananalig, bagamat ang aking sabi’y, “Ako’y ganap nang nalupig.” Bagaman at ako’y takot, nasasabi ko kung minsan, “Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.” Sa piling ng Poong mahal ako’y laging mamumuhay. Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw, kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam. Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod; yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos. Sa piling ng Poong mahal ako’y laging mamumuhay. IKALAWANG PAGBASA Roma 6, 3-4. 8-9 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid, hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli ni Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Ang Salita ng Diyos.