2 grupo ng kabataan, nag-riot sa ikalawang Simbang Gabi

2 grupo ng kabataan, nag-riot sa ikalawang Simbang Gabi

MANILA — Nagrambulan at nagbatuhan ng molotov bomb o bote na may gasolina ang dalawang grupo ng mga kabataan sa may Mabini Bridge, Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila nitong Martes ng madaling araw. Kita sa CCTV ang habulan ng mga kabataan sa gitna ng kalsada kahit pa may mga dumadaang sasakyan. Dinig din sa video ang dalawang putok ng hinihinalang improvised gun at namataang nagliyab ang kalsada matapos nilang magbatuhan ng molotov bomb. Nabulabog ang residente na si Amy Isidro at nangamba na baka pagmulan ito ng sunog. “Malakas ‘yung sigawan. Sobrang dami nung mga bata nagra-riot talaga galing doon, kalaban nila taga-doon. Tapos sumabog siya, ang laki ng apoy,” kwento ni Isidro. “Natakot nga kami kasi may mga wire e. Baka ‘pag umabot sa sakayan, masunog, magkaroon ng sunog dito. Ang titigas talaga ng ulo grabe,” dagdag niya. Ayon kay Kagawad Jeffrey Salcedo ng Barangay 409, malaking perwisyo ito sa kanila dahil ginagawang battleground o lugar ng labanan ang kanilang barangay. Kadalasan din aniya nangyayari ang gulo tuwing Simbang Gabi o kung may malaking pagtitipon. “Usually nangyayari ‘yan pagkaalam nila na may mga big event katulad nung unang gabi ng Simbang Gabi. Kapag maraming tao, magpapasikat sila para masabing astig o matitikas,” sabi ni Salcedo. Dahil sa gulo, may ilang sasakyan na ang nadamay at may isang bata na rin ang nabundol ng sasakyan. “Meron pong isang case na nabangga po ng sasakyan. Hit and run po nangyari. Naaaawa ako sa magulang, vendor po siya sa Balintawak. ‘Yung magulang ang nagsa-suffer sa gastos at pag-aalala sa bata,” sabi ni Kapitan Andrew Concepcion ng Barangay 411. Nagtulong sa pagresponde ang Sampaloc Police at Barbosa Police na nakakasakop sa nasabing lugar. Nasagip nila ang pitong menor de edad at nakipag-ugnayan sa kanilang mga magulang. “Pinuntahan ‘yung mga barangay chairman, nagkaroon ng dialogue. Pinatawag din natin dito ‘yung mga magulang nila at sinabihan kung anong maaaring makaharap kung sakaling hindi ito mapigilan,” ayon kay PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District. Sa ilalim ng Manila City Ordinance No. 8243 o Anti-Child Endangerment Act, ang mga pabayang magulang ay maaaring mapatawan ng multa ng P2,000 hanggang P5,000 at pwede ring makulong ng isa hanggang anim na buwan. For more ABS-CBN News, click the link below:    • Breaking News & Live Coverage   Check out the latest news on upcoming Halalan 2022 here:    • Halalan 2022   To watch the latest updates on COVID-19, click the link below:    • COVID-19 Updates   Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook:   / abscbnnews   Twitter:   / abscbnnews   #ABS-CBNHighlights #LatestNews #ABSCBNNews