
HOLY FILIPINO MASS TODAY || Oct 21 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today Oct0ber 21, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Oktubre 21 Featured Playback . Banal na Misa Martes ng Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 29th Week in Ordinary Time. ALELUYA Lucas 21, 36 Aleluya! Aleluya! Manalanging walang humpay samantalang hinihintay si Hesus na Poong mahal. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 12, 35-38 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!