LANDAS NG PAG-ASA :  “ANG TAWAG NG PAGPAPATAWAD”

LANDAS NG PAG-ASA : “ANG TAWAG NG PAGPAPATAWAD”

LUNES, NOBYEMBRE 11, 2024 Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kay San Martin ng Tours, Obispo Paggunita kay San Bartolome, Abbot ng Grottaferrata LANDAS NG PAG-ASA : “ANG TAWAG NG PAGPAPATAWAD” [MABUTING BALITA]: LUCAS 17: 1 - 6 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya’t mag-ingat kayo! “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo.” Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima ito sa inyo.” Video by Jay Guiyab : BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head for Singles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator. #POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel