[LIVE from SEMP] Banal na Misa: July 3 · Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

[LIVE from SEMP] Banal na Misa: July 3 · Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

[LIVE from SEMP] Banal na Misa: July 3 · Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 116. 1. 2. Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Purihin ang Panginoon! Dapat na purihin ng lahat ng bansa, siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa. Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati’y dakila at wagas, at ang katapatan niya’y walang wakas. Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. ALELUYA Juan 20, 29 Aleluya! Aleluya! Mapalad at maligaya Ang sumasampalataya Sa di nakita ng mata! Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 20, 24-29 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay hindi nila kasama nang dumating si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.” Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad, kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 116. 1. 2. Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Purihin ang Panginoon! Dapat na purihin ng lahat ng bansa, siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa. Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati’y dakila at wagas, at ang katapatan niya’y walang wakas. Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. ALELUYA Juan 20, 29 Aleluya! Aleluya! Mapalad at maligaya Ang sumasampalataya Sa di nakita ng mata! Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 20, 24-29 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay hindi nila kasama nang dumating si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.” Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad, kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.