Full Charge S2E22: “Sundin natin ang Panginoon” (Luke 9: 1-6)
September 22, 2021 | Miyerkules ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Mabuting Balita ngayong araw: Lucas 9: 1-6 “Tinawag ni Hesus ang labindalawang apostoles, upang isugo sa misyon. Binigyan sila ni Hesus ng mga instructions. Walang baon kahit ano. Wala isa man ang nagtanong, walang nagreklamo. Kung ako ay isa sa kanila, itatanong ko “paano na kaya kami, paano na kaya ako?” Go naman ang labindalawa upang ipahayag ang paghahari ng Diyos. Malakas ang kanilang loob na hindi sila pababayaan ni Hesus. Sinunod ng labindalawa ang mga sinabi ni Hesus. Ipinangaral ang Mabuting Balita. Nagpalayas sila ng mga demonyo at nagpagaling ng mga karamdaman. Tatlong katangian ng labindalawang apostoles ang pumukaw sa akin. Una, ang kanilang lakas ng loob na magtiwala kay Hesus. Hindi nila inisip ang kanilang daratnan sa kanilang patutunguhan, meroon ba silang matutuluyan, paano ang kanilang kakainin at isusuot? Ikalawa, sila ay humble o mapagkumbaba. Hindi sila nag dalawang isip, hindi natakot, hindi tinamad. Sinunod nila ang mga instructions ni Hesus. Ikatlo, malinis ang kanilang puso. Alam ng mga apostol na palagi nilang kasama si Hesus. Alam nila na mahal sila ni Hesus. Hindi makapaglilingkod sa Panginoon ang mayroong galit sa puso, mayroong inggit at sama ng loob sa kapwa. Magiging pabigat lamang iyon sa kailang isip, puso at kaluluwa. Sana tayo ay katulad ng labindalawang apostoles. Sundin natin ang mga sinasabi sa atin ng Panginoon. Lakasan natin ang ating loob at tiwala sa kanya. Maging mapagkumbaba tayo. Magkaroon tayo ng malinis na puso. Magiging karapat-dapat tayo na magpuri sa Panginoon. Purihin ang Diyos! Sa Salita ng Diyos, tayo po sana ay maging fully charged. Amen.” Full Charge Reflection ni Kuya Jun Brillantes YouTube Link: • Full Charge S2E22: “Sundin natin ang Pangi... [Ang Full Charge ay ang pang-araw-araw na online program ng Parokya ng San Ildefonso na nagpapakita ng mga makabuluhang reflections ng ating mga kapatid sa pananampalataya - kung paano sila minulat, tinulungan, at ginabayan ng Salita ng Diyos. Napapanuod tuwing 5:00 ng umaga sa FB at YouTube Pages ng ating Parokya. Handog sa ating lahat ng SIP Biblical Apostolate, SIP Social Communications, at SIP Audio-Visual Ministry sa pakikipagtulungan ng SIP Parish Pastoral Council at ng mga ministries at organization ng ating Parokya.] #SIP2021 #SIPFullCharge #FullChargeSeason2 #BiblicalApostolate #SIPSoccom #GospelOfTheDay #MabutingBalita #PinoyVersion