
November 15 , 2021 Monday Readings, my understanding and reflection
Peace be with you! Ang ating mga pagbasa sa araw na ito November 15, 2021 Lunes Unang Pagbasa 1 Macabeo 1,:10-15. 41-43, 54-57. 62-64 Salmo 118 Poon, ako’y lingapin mo; ang utos mo’y susundin ko. Ebanghelyo Lucas 18: 35-43 Malinaw ba ang iyong paningin? 20 x 20 ba ang iyong Vision? Kung malabo na, ok lng yan mayrun naman tayo mga salamin sa mat at contact lenses… Ang ating ebanghelyo ngayon ay ang pagtawag ng isang bulag kay Jesus upang pagalingin sya.. sa kabila ng pagtawag nito ay pinigilan sya ng mga tao nakapaligid kay Jesus at binawalan pa ngunit mas lalo ito sumigaw upang kunin ang atensyon ni Jesus at ng pinatawag sya ni Jesus tinanong nito kung ano nais nya - na sya ay makakita muli. Hangad ng bulag na makakita muli - tandaan nakakakita sya dati. Ano kaya ang connection ng ating ebanghelyo sa unang pagbasa kay macabeo? Mga kapatid, sa panahon ngayon napakalinaw ng ating mga mata.. nakakakita tayo pero pinipili natin maging bulag sa katotohanan na ang Diyos lang dapat ang maghari sa atin. Alam natin ano ang mga kautusan, alam natin ano ang nais ni Jesus pero pinili natin magbulagbulagan… hinde na tayo naiiba kay Antioco na nagmana ng kaharian n dating bihag. Nagpa hawak at sinunod nya gusto ng mga hentil.. sumamba sa Diyos diyosan kahit alam ng mga tao n may kautusan n ng eexist that time even ang araw ng pamamahinga. Mga kapatid, buti pa ang bulag hiniling nya na makakita muli dahil gusto nya magbago tayo kaya kaylan tayo magigising o mamumulat ang ating mga mata na si Jesus ang ating taga pagligtas. Kaylan natin makikita na ang salita ay buhay na si Jesus ay ang daan.. ang katotohanan at buhay? Kung hinde bulag ang iyong espiritual na estado alam mo ang dapat mong gawin.. panilayan natin ito., Amen