Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 26 Sep 2024 7a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Huwebes ng Ika-25 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. September 26, 2024 Paggunita kina San Cosme at San Damian, mga martir UNANG PAGBASA Mangangaral 1, 2-11 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay. Magpakahirap ka man, gumawa man nang gumawa ay wala ring mapapala. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga; habang buong araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit di ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makayanang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. Ang naganap noon ay nangyayari ngayon. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Walang bagong pangyayari sa ibabaw ng daigdig. Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito’y bago.” Ngunit naganap na yaon noong di pa tayo tao. Di na maalaala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malilimutan din sa hinaharap. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Yaong taong nilikha mo’y bumalik sa alabok, sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos. Ang sanlibong mga taon, ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan. Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Mga tao’y pumapanaw na para mong winawalis, parang damo sa umagang tumubo sa panaginip. Parang damong tumutubo, na may taglay na bulaklak, kung gumabi’y nalalanta’t bulaklak ay nalalagas. Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong. Hanggang kailan magtitiis na magdusa, Panginoon, kaming iyong mga lingkod na naghihirap sa ngayon? Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit. Panginoon naming Diyos, kami sana’y pagpalain, magtagumpay sana kami sa anumang aming gawin! Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. ALELUYA Juan 14, 6 Aleluya! Aleluya! Ikaw, O Kristo, ang Daan, ang Katotohana’t Buhay patungo sa Amang mahal. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 9, 7-9 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagsasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kaya’t ang sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.” At pinagsikapan niyang makita si Hesus. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas