CATHOLIC CHURCH MASS TODAY | January  8  NOVENA MASS TO OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP - Miyerkules

CATHOLIC CHURCH MASS TODAY | January 8 NOVENA MASS TO OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP - Miyerkules

Catholic Holy Mass Today Enero 8, 2024 Featured Online Mass Nobena para sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo Miyerkules Kasunod ng Pagpapakita ng PANGINOON January 08 Featured Playback Mass. 2nd Wednesday of January Encore Mass SALMONG TUGUNAN Salmo 71, 2. 10-11. 12-13 Poon, maglilingkod sa ’yo tanang bansa nitong mundo. ALELUYA 1 Timoteo 3, 16 Aleluya! Aleluya! Si Kristo naging tao, Hari ng langit at mundo. Sa kanya’y manalig tayo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Marcos 6, 45-52 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.