
Mayo 7, 2023 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass - Ika 5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
NAKAUGAT KAY HESUS – ANG ATING DAAN, KATOTOHANAN, AT BUHAY Ngayong Ikalimang Linggo ng Muling Pagkabuhay, nililingon nati’t ipinagpapasalamat ang lahat ng biyaya sa atin ng Makapangyarihang Diyos. Pinasasalamatan natin Siya lalung-lalo na sa kaloob Niyang si Hesus, ang Muling Nabuhay nating Kapatid at Tagapagligtas, na sa nakaraang linggo ay nakasama natin bilang kapwa manlalakbay at bilang Mabuti nating Pastol. Patuloy pa rin niya tayong aakayin buhat sa kalituhan at kasinungalingan ng isang lipunang batbat ng katiwalian tungo sa katahimikan ng tahanan ng Diyos – sa langit! Tibayan nawa ng Eukaristiyang ito ang ating pagkakabuklod sa isa’t isa at kay Hesus na siya nating DAAN, KATOTOHANAN, AT BUHAY. Bilang kabahagi ng Simbahang kanyang Katawan, makapagdulot nawa tayo sa sangkatauhan ng matatag na pag-asa sa mas magandang kinabukasan habang patuloy ito sa paghanap ng kapayapaan, habag, at pagkakaisa. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/